Pang. Marcos nagpasalamat sa gobyerno ng Indonesia kasunod ng pagkakadakip kay Alice Guo
Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang gobyerno ng Indonesia sa tulong nito para madakip si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Ayon sa pangulo naaresto si Guo ala 1:00 ng madaling araw ng Miyerkules (Sept. 4) sa Tangerang City, Jakarta, Indonesia.
Binati din ng pangulo ang lahat ng law enforcement personnel na nasa likod ng operasyon.
Ayon sa pangulo ang maayos na koordinasyon sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Indonesia ay malaking tulong para maisakatuparan ang pagdakip kay Guo.
Sinabi ng pangulo na ang sinapit ni Guo ay magsisilbing babala sa mga magtatangkang takasan ang kanilang pananagutan sa batas.
Ayon sa pangulo, ibibigay kay Guo ang kaniyang legal protections sa ilalim ng batas sa bansa.
Gayunman, kailangan aniyang agad nang maresolba ang kasong kinasasangkutan ng dating alkalde. (DDC)