DA tiniyak ang tulong sa mga magsasakang naapektuhan ng bagyong Enteng
Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) ang agarang tulong sa mga magsasaka na naapektuhan ng bagyong Enteng.
Ayon sa DA, ginagawa na ng ahensya ang lahat para mabigyan ng tulong ang mga naapektuhan ng bagyo.
Kabilang dito ang pagkakaloob ng P202.86 million na halaga ng seeds, bio-control measures, at farm tools sa mga apektadong magsasaka.
Ipatutupad din ng DA ang Survival and Recovery (SURE) Loan Program sa ilalim ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC).
Sa ilalim ng nasabing programa, ang mga magsasaka ay maaaring makahiram ng P25,000 na payable sa loob ng tatlong taon at walang interest. (DDC)