Pangulong Marcos tinawanan lang ang balitang isinugod siya sa ospital
Tinawanan lamang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ulat na isinugod siya sa ospital.
Sa ambush interview sa National Disaster Risk Reduction and Management Council headquarters sa Camp Aguinaldo Quezon City, sinabi ni Pangulong Marcos na fake news ang umano’y ulat na medical emergency.
Ayon sa pangulo, kalokohan ang ipinakakalat na balita.
Ayon sa pangulo, nasa Malakanyang lamang siya araw ng Martes (Sept. 3) at nagsagawa ng command conference kasama ang mga commanders.
Ginugol naman ni Pangulong Marcos ang oras sa hapon sa pagbabasa ng mga reports at paperwork.
“I had a meeting in the morning. I had a command conference with some of our commanders. And I spent the rest of the day reading my briefs and doing paperwork. Nagulat lang ako when they said that there was… “Ano?” Medical emergency…” pahayag ni Pangulong Marcos. (CY)