P16M na halaga ng tulong naipamahagi na sa mga naapektuhan ng Bagyong Enteng – PBBM
Tinyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang patuloy na tulong sa mga mamamayan na nasalanta ng Bagyong Enteng.
Ayon sa pahayag ng pangulo, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nakapaghatid na ng P16 million na halaga ng tulong para masuportahan ang pangangailangan ng mga naapektuhan ng bagyo.
Mayroon ding nakahdang P65.56 million na standby funds at P2.60 billion na halaga ng food at non-food items.
Mayroon ding P480.61 million na halaga ng health logistics sa mga rehiyon para masiguro ang agarang serbisyong pangkalusugan.
Nanawagan si Pangulong Marcos sa mga LGU na agad tugunan ang waste management issue pagkatapos ng pananalasa ng bagyo.
Patuloy din ang pagkilos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa clearing operations sa mga naapektuhang kalsada. (DDC)