Bagyong Enteng nakalabas na ng bansa – PAGASA

Bagyong Enteng nakalabas na ng bansa – PAGASA

Nakalabas na ng bansa ang Severe Tropical Storm Enteng na mayroong international name na ‘Yagi’.

Ang bagyo ay huling namataan ng PAGASA sa layong 265 kilometers west northwest ng Laoag City, Ilocos Norte.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 100 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 125 kilometers per hour.

Sa kabila ng paglabas sa bansa ng bagyo, sinabi ng PAGASA na magdudulot pa rin ng pag-ulan sa maraming lugar sa Luzon.

Sa 8:00AM update ng PAGASA, nakataas pa rin ang Orange Warning Level sa Bataan at Zambales.

Habang Yellow Warning Level naman sa Tarlac, Pampanga, Bulacan, bahagi ng Metro Manila (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Quezon City, San Juan, Marikina, Manila) at bahagi ng Rizal (Rodriguez, San Mateo). (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *