Pangulong Marcos iniutos ang mas maagang deklarasyon ng class suspension

Pangulong Marcos iniutos ang mas maagang deklarasyon ng class suspension

Inatasan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan at pamunuan ng eskwelahan na agahan ang pagdedeklara ng suspensyon ng klase at trabaho ngayong nananalasa ang bagyong Enteng.

Ayon sa pangulo, dapat mailabas ang bulletin bago matulog sa gabi.

“We will try to give the bulletin as early as possible for work and school tomorrow. Ang instruction ko sa kanila, kung maaari bago tayo matulog alam na antin kung may pasok bukas o hindi. Para makapag-adjust naman ‘yung mga tao,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Nasa local government units pa rin aniya ang pagpapasya kung sususpendihin ang trabaho at pasok sa eskwela sa kani-kanilang lugar.

Kasabay nito, sinabi ni Pangulong Marcos na mas makabubuting huwag na munang magpatawag nang pagpupulong sa National Disaster Risk Reduction and Management Council command center sa Quezon City at hayaan na muna silang magtrabaho.

“No they’re working , alam mo that’s always my policy, hindi ko, pagka nasa gitna ng krisis hindi ko sila tinatawag dahil nagtratrabaho sila, besides wala namang, they keep reporting naman to me at very, ‘yung sa specific areas doon lang naman nagbabago,” sagot ni Pangulong Marcos kung pupulungin nito ang NDRRMC.

Tuloy aniya ang standard operating procedures at pag-monitor ng pamahalaan sa lagay ng bagyo.

Mahalaga aniya na suriin ang lagay ng mga nagtatrabaho kung makapupunta sa kanilang mga tanggapan at kung ligtas na makauuwi sa kani-kanilang tahanan.

“Ang tinitignan lang natin sa eskwela siyempre iba, the LGUs also make their own decision with that except if there is a region wide assessment na hindi pwedeng pumasok. Sa trabaho naman ang tinitignan lang namin ay kung makapunta ang mga empleyado natin makapasok at makauwi. Importante ang makauwi kasi ,mahirap pagmastranded sila sa kanilang pinagttrabahuhan,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Handa naman aniya ang gobyerno sa aftermath ng bagyo at tugunan ang pangangailangan ng mga naapektuhang residente. (CY)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *