Siphoning operation sa Limay, Bataan sinuspinde muna ayon sa PCG
Pansamantalang sinuspinde ang siphoning operation na isinasagawa sa Limay, Bataan ngayong araw, Sept. 2 dahil sa bagyong Enteng.
Sa direktiba ng Philippine Coast Guard (PCG) inatasan ang kinontratang salvor na Harbor Star na suspendihin muna ang operasyon.
Nai-secure naman na ng Harbor Star ang lahat ng siphoning lines at containment equipment nito.
Tiniyak din ng PCG na natakpan ang lahat ng hot taps at ipinagpaliban muna ang paglilipat sa mga na-recover na oil waste.
Samantala, inihinto din muna ng FES Challenger ang kinontratang salvor ng MTKR Jason Bradley ang operasyon nito. (DDC)