Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa NCR suspendido na ngayong araw, Sept. 2
Suspendido na din ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila ngayong araw, Sept. 2
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), batay sa direktiba ng Office of the Executive Secretary, as of 8:30 ng umaga ay suspendido na ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno.
Ang suspensyon ng pasok sa mga pribadong kumpanya ay ipinaubaya sa pasya ng kani-kanilang pamunuan.
Nauna nang inanusyo din ng Malakanyang ang suspensyon sa pasok sa lahat ng antas sa mga pampubliko at paribadong paaralan sa Metro Manila. (DDC)