Mahigit 2,400 na katao stranded sa mga pantalan sa mga rehiyon na apektado ng bagyong Enteng
Mayroong 2,413 na pasahero, truck drivers at pahinante ang stranded sa mga pantalan sa mga rehiyon na nakararanas ng masamang lagay ng panahon dahil sa bagyong Enteng.
Ayon sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), ang mga stranded ay nasa mga pantalan sa Southern Tagalog, Bicol Region at Eastern Visayas.
Mayroong stranded na 39 na mga barko, 610 rolling cargoes, at 4 na motorbancas.
Habang 15 barko naman at 28 motorbancas ang pansamantalang nagkanlong sa ligtas na lugar dahil sa sama ng panahon.
Pinakamaraming naitalang stranded na pasahero sa mga pantalan sa Eastern Visayas na umabot sa 1,638.
Ito ay sa mga pantalan ng Sta. Clara, Dapdap, Looc, Naval, Carigara, Calubian, Maasin, Benit at Padre Burgos. (DDC)