Pasok sa lahat ng antas sa public at private schools sa buong Metro Manila sinuspinde ng Malakanyang

Pasok sa lahat ng antas sa public at private schools sa buong Metro Manila sinuspinde ng Malakanyang

Sinuspinde ng Malakanyang ang pasok sa lahat ng paaralan sa buong Metro Manila ngayong araw, Sept. 2.

Ito ay dahil sa nararanasang masamang lagay ng panahon dahil sa bagyong Enteng at Habagat.

Sa direktiba mula sa Office of the Executive Secretary, suspendido na ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong Metro Manila.

Bago ang anunsyo ng Malakanyang ay nakapaglabas na ng kani-kaniyang anunsyo ang halos lahat ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila hinggil sa suspensyon ng klase.

Sa lahat ng LGU sa Metro Manila ay tanging ang Makati City lamang ang hindi naglabas abiso tungkol sa class suspension.

Pero dahil sa kautusan ng Malakanyang, sakop na din ng suspensyon ang Makati City. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *