Pag-iral ng number coding sa Metro Manila sinuspinde ng MMDA
Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pag-iral ng number coding ngayong araw, Sept. 2.
Sa abiso ng MMDA, dahil sa malakas na pag-ulan na nararanasan sa Metro Manila dulot ng bagyong Enteng at ng Habagat, hindi muna ipatutupad ang number coding.
Dahil dito, maaaring makabiyahe sa mga lansangan ng Metro Manila ang mga sasakyan na ang plaka ay nagtatapos sa 1 at 2.
Samantala, patuloy naman ang pag-iral ng number coding sa Makati City ayon sa anunsyo ng City Government. (DDC)