P8.422M na halaga ng fresh oranges na ilegal na ipinasok sa bansa naharang BOC
Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) katuwang ang Department of Agriculture (DA) libu-libong kahon ng oranges sa Manila International Container Port (MICP).
Ayon sa BOC, ilegal ang importation ng kargamento galing Thailand na naglalaman ng 3,200 cartons ng fresh oranges at nagkakahalaga ng P8.422 million.
Nabatid ng BOC na ang nasabing mga kargamento ay walang import sanitary clearance mula sa Bureau of Plant Industry.
Dahil dito, hindi matitiyak na ligtas para sa human consumption ang nasabing mga prutas.
Ang mga nakumpiskang prutas ay isasailalim sa condemnation proceedings sa ilalim ng DA Department Order No. 09, series of 2010 para matiyak na hindi maibebenta sa merkado ang mga ito. (DDC)