500,000 doses ng pentavalent vaccine panlaban sa pertussis at 4 na iba pang sakit, dumating sa bansa
Dumating na sa bansa ang 500,000 doses ng bakuna panlaban sa limang iba’t ibang mga sakit kabilang ang pertussis o whooping cough.
Ayon sa Department of Health (DOH) kasalukuyang nasa cold storage ang mga bakuna habang isinasapinal pa ang mga dokumento para maipamahagi ito sa mga health center.
Kasama din sa mga bakunang dumating ang panlaban sa diphtheria, tetanus, hepatitis B, at haemophilus influenzae type b.
Sa susunod na linggo inaasahan ng DOH na mayroon pang darating na 750,000 doses ng pentavalent vaccine. (DDC)