Dating CA Justice Stephen Cruz itinalaga bilang chairman ng Board of Directors ng PHLPost

Dating CA Justice Stephen Cruz itinalaga bilang chairman ng Board of Directors ng PHLPost

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si dating Court of Appeals Justice Stephen Cruz bilang chairman ng Board of Directors ng Philippine Postal Corporation (PHLPost).

Pinangunahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang panunumpa sa tungkulin ng dating mahistrado ng appellate court.

Pinalitan ni Cruz si Mike Planas na naupo sa puwesto sa loob lamang ng tatlong buwan.

Nagretiro si Cruz sa Court of Appeals noong Agosto 2020.

Nagtapos si Cruz sa kursong abogasiya sa Ateneo de Manila University.

Bago pumasok sa CA noong 2006, nagsilbi si Cruz bilang Presiding Judge ng Branch 60 sa Lucena Regional Trial Court sa loob ng anim na taon.

Nagtrabaho rin si Cruz sa Legal Office ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. bago naging Senior Associate Attorney sa Nazareno Law Office. (CY)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *