Green Sea Turtle na tinamaan ng virus dahil sa sea pollution gumaling na at naibalik na sa karagatan
Ligtas na naibalik sa karagatan ang isang Green Sea Turtle na tinamaan ng virus dahil sa sea pollution.
Sumailalim sa surgery ang pawikan para magamot ang fibro papillomatosis isang virus na kaniyang nakuha dahil sa polusyon sa dagat.
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), fully recovered na ang demale Green Sea Turtle.
Napakawalan na rin ito sa karagatan na sakop ng Barangay Bibilik, Dumalinao sa Zamboanga del Sur.
Ang pagpapagaling sa pawikan ay pinagtulung-tulungan ng Regional Wildlife Rescue Center, Zamboanga del Sur Provincial Veterinary Office at local government units. (DDC)