DBM hinimok ang mga ahensya ng gobeyrno na gamitin ang infra budget

DBM hinimok ang mga ahensya ng gobeyrno na gamitin ang infra budget

Nanawagan si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman sa mga kagawaran at ahensya na lubusang gamitin ang kanilang infrastructure budget.

Nagpahayag ng kumpiyansa ang Budget secretary na palalakasin ng infrastructure spending ng gobyerno ang paglago ng GDP ng bansa sa ikatlong kwarter ng 2024.

Umabot sa Php 720.5 bilyon ang infrastructure spending noong katapusan ng Hunyo 2024, na lumago ng 18.4 percent kung ikukumpara sa parehong period noong nakaraang taon.

Ito ay katumbas ng 5.7 percent ng GDP at nasa loob ng target na 5.0 hanggang 6.0 percent ng National Government ayon sa Medium-Term Fiscal Framework.

Hinigitan din ng robust spending performance na ito ang target ng gobyerno na P671.3 bilyon para sa unang semester, na pangunahing dulot ng mabilis na pagpapatupad ng mga public construction project gaya ng road networks at rail transport, at capital outlay projects sa defense modernization.

Malaki rin ang naiambag nito sa kabuuang disbursement ng gobyerno na tumaas ng 14.6 percent sa P2.764 trillion.

Kamakailan, binigyang-diin ni Secretary Pangandaman na ang mga government disbursement, partikular ang Government Final Consumption Expenditure, ay isa sa mga pangunahing contributor sa mas mataas na 6.3 porsiyentong GDP growth para sa ikalawang quarter. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *