Pilipinas, ligtas pa sa goat plague ayon sa BAI

Pilipinas, ligtas pa sa goat plague ayon sa BAI

Nananatiling walang kaso ng goat plague sa bansa ayon sa Bureau of Animal and Industry (BAI).

Ayon sa pahayag ng BAI, simula taong 2015 ay napanatili ng bansa ang disaster-free status nito sa goat plague o PPR (Peste des Petits Ruminants).

Tiniyak ng BAI na patuloy ang ginagawa nitong pagbabantay sa borders ng bansa para masigurong hindi makapapasok ang nasabing sakit.

Noong unang bahagi ng Agosto, nakaranas ng outbreak ng goat plague o PPR sa southeastern Europe.

Sa Greece, umabot sa 10,000 tupa ang kinatay matapos tamaan ng virus. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *