P207K na halaga ng shabu nakumpiska; suspek tiklo sa Taguig drug- bust ops
Tinatayang 30.46 na gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱207,128 ang nakumpiska ng mga operatiba ng Taguig City Police Station Drug Enforcement Unit na nagresulta ng pagkaaresto ng isang lalaking suspek sa gitna ng anti-illegal drug operation sa Barangay Fort, Taguig City ayon sa Southern Police District (SPD).
Nasa kustodiya ng pulisya ang suspek na si alyas Alexander, 48-anyos.
Sa kasagsagan ng operasyon nakumpiska ng otoridad sa suspek ang umano’y ilegal na droga,buy-bust money, at coin purse.
Dadalhin ang narekober na ebidensiya sa SPD Forensic Unit para sa laboratory examination.
Nakatakdang sampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerpus Drugs Act of 2002 sa Taguig City Prosecutor’s Office. (Bhelle Gamboa)