4 na lalaking biktima ng human trafficking, nailigtas sa Clark Airport

4 na lalaking biktima ng human trafficking, nailigtas sa Clark Airport

Nailigtas ng mga tauhan ng Bureau of Immigrations (BI) sa Clark International Airport (CIA) ang apat na lalaking biktima ng human trafficking.

Aalis sana ang apat patungong Qatar para ilegal na magtrabaho sa isang beauty and spa industry.

Ayon sa BI, unang sinabi ng apat na magtutungo sila sa Singapore para magbakasyon.

Gayunman, kapansin-pansin Immigration officers ang pabago-bagong pahayag ng apat kaya isinailalim sila sa secondary inspection.

Sa panayam sa kanila ay inamin din ng apat na pinangakuan sila ng trabaho bilang hairdressers at massage therapists sa Qatar kung saan tatanggap umano sila ng sweldo na P15,000 hanggang P25,000 kada buwan.

Dinala ang apat sa pangangalaga ng CIA inter-agency council against trafficking (IACAT) para sa mas masusi pang imbestigasyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *