Mga premyo at regalong natanggap ni Carlos Yulo, exempted sa buwis ayon sa BIR
Exempted sa tax ang mga premyo na natanggap ng Filipino athlete na si Carlos Yulo.
Kabilang sa hindi papatawan ng buwis ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ay ang mga regalo at donasyon na bigay ng mga pribadong kumpanya o indibidwal.
Sa pahayag, sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na sa ilalim ng National Internal Revenue Code (NIRC), walang babayarang income at donor’s taxes si Yulo.
Nakasaad sa Section 32B7d ng NIRC, na lahat ng premyo at awards na makukuha ng Filipino athletes sa local at international sports tournaments at iba pang kompetisyon ay exempted sa income tax.
Habang sa Section 32B3 naman ay nakasaad na ang mga regalo ay exempted din sa buwis. (DDC)