DOH itinanggi ang kaso ng mpox sa Northern Samar
Itinanggi ng Department of Health (DOH) na mayroong suspected case ng monkeypox sa Northern Samar.
Ayon sa DOH, mayroon kasing mga sakit sa balat na maaaring mapagkamalan na mpox, gaya na lamang ng chickenpox, shingles, o herpes.
Inaanunsyo lamang ng ahensya ang kaso ng mpox kung kumpirmado na ito sa pamamagitan ng PCR test.
Ilan lamang sa sintomas ng mpox ay ang skin rash o mucosal lesions na tumatatagal ng 2 hanggang 4 na linggo.
Ang rashes ay sinasabayan ng lagnat, pananakit ng ulo, muscle aches, back pain, low energy, at swollen lymph nodes. (DDC)