DOH nakapagtala ng 2 pang kaso ng mpox; 2 pasyente parehong mula sa NCR
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng dalawa pang kaso ng monkeypox sa bansa.
Dahil dito umakyat na sa 12 ang kabuuang kaso ng mpox na naiala sa bansa.
Ayon sa DOH, ang pang-labingisang kaso ay isang 37 anyos na lalaki mula sa Metro Manila.
August 20 nang una itong makaranas ng sintomas gaya ng rashes sa mukha, braso, binti, at iba pang bahagi ng katawan.
Sa inisyal na imbestigasyon, wala itong nakasalamuha na may parehong sakit.
Na-admit ang pasyente sa isang government hospital noong Aug. 22 kung saan siya nananatiling naka-confine.
Samantala, ang pang-labingdalawang kasi ay isang 32-anyos na lalaki rin mula sa NCR.
Aug. 14 nang una niyang maranasan ang sintomas ng sakit.
Nakasailalim siya sa home isolation.
Sa kabila ng dalawang bagong kaso, tiniyak ng DOH na ang tumamang mpox sa mga ito ay milder form ng nasabing sakit.
Sa 12 kabuuang kaso ng mpox na naitala sa bansa, 9 sa kanila ang gumaling na. (DDC)