P61K na halaga ng high-grade marijuana resin nakumpiska sa Clark
Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Clark sa pakikipagtulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang high-grade marijuana resin sa Clark.
Ayon sa BOC, 923.9 grams ang nakumpiskang high-grade marijuana resin na tinatayang P61,593 ang halaga.
Batay sa derogatory report ng PDEA, ang shipment ay idineklarang “Vinyl Phonograph Records” pero nakitang kahina-hinala ang laman nito nang sumailalim sa x-ray scanning.
Nang isailalim sa 100% physical inspection ay doon nakita ang anim na vacuum-sealed black pouches.
Agad nagpalabas ng Warrant of Seizure and Detention sa shipment dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), in relation to R.A. No. 9165. (DDC)