PNP LAB Virus naghandog ng regalo sa mga bata at tulong sa mga maysakit na pulis-NCRPO
Naghatid ng ngiti ang PNP LAB Virus sa isinagawang gift-giving ceremony para sa mag-aaral ng Bahay Bulilit Day Care Center at namahagi ng ayuda sa mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na may malalang sakit, na ginanap sa Hinirang Multi-purpose Hall, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.
Pinangunahan ni Ginang Mary Rose Marbil, National Adviser, PNP Officers’ Ladies Club, Foundation Inc. (OLCFI), ang aktibidad kung saan siya ay nagsilbing panauhing pandangal.
Kasama ng ginang ang maybahay ni NCRPO Regional Director MGen Jose Melencio Nartatez Jr. na si Gng. Mary Rose Nartatez, Adviser, NCRPO OLC, at iba pang dedikadong miyembro ng OLCFI, na pawang nagpamalas ng kanilang mahalagang tungkulin sa aktibidad.
Tumanggap ang mga mag-aaral ng naturang paaralan ng mga school supplies at iba pang mahahalagang pangangailangan ng mga ito na magagamit nila sa kanilang pag-aaral.
Kasunod ng gift-giving, itinuon nman ang pagbibigay ng suporta sa mga NCRPO personnel na patuloy na nakikipaglaban sa malalang sakit. Tulong pinansiyal at iba pang ayuda ang ipinamahagi sa mga maysakit na tauhan ng pulisya na nagbigay-diin sa pangako at dedikasyon ng OLCFI at NCRPO para ipagmalasakit ang kapakanan ng mga pulis.
Sinabi ni Gng. Marbil na naksentro ang misyon ng OLCFI sa paghahatid ng mga programang pang-kawanggawa,panlipunan at komunidad upang iangat ang pamumuhay ng mga pulis, kanilang pamilya at ng mas malawak na pamayanan.
Ipinaabot din nito ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa pinagsama-samang hakbang at inihayag ang importasiya ng pagpapatibay ng suporta at maalagang kapaligiran ng NCRPO.
Ang matagumpay na inisyatibang ito ng PNP LAB Virus ay nagbigay ng ngiti sa nga bata at naibsan naman ang pasanin ng mga tauhan dahil sa natanggap nilang suporta.Kasabay nito nangako naman ang NCRPO na ipagpapatuloy nitong palakasin ang ugnayan sa komunidad at pagtiyak sa kapakanan ng kanyang mga miyembro. (Bhelle Gamboa)