PPA magdaragdag ng mga pulis sa mga pantalan
Tumatanggap na muli ng aplikasyon ang Philippine Ports Authority (PPA) para sa mga nais maging port police officers.
Kamakailan nagtapos sa idinaos na seremonya ang 31 bagong port police officers na idinaos sa PPA head office sa Maynila.
Ang nasabing mga bagong port police officers ay dumaan sa serye ng training session.
Ang Basic Port Police Training Course ay isinagawa sa PPA Training Center sa La Union kung saan sinanay ang mga aplikante sa first line of defense sa mga pantalan.
Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, kailangan ng karagdagan pang mga pulis sa mga pantalan lalo pa at nagpapatuloy ang port expansions ng PPA.
Sa ngayon mayroong 270 active port police officers na nakatalaga sa iba’t ibang pantalan sa bansa. (DDC)