Halaga ng pinsala ng bagyong Carina at Habagat sa pananim at livestock, umabot na sa 4.72B

Halaga ng pinsala ng bagyong Carina at Habagat sa pananim at livestock, umabot na sa 4.72B

Umabot na sa P4.72 billion ang halaga ng pinsala ng bagyong Carina at Habagat sa mga pananim at livestock.

Ayon sa datos ng Department of Agriculture (DA), umabot na sa 137,999 na magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng bagyo at pagbaha sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western at Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen at Caraga,

Sinabi ng DA na umabot sa 18,629 metric tons na pananim na palay ang nasira na nagkakahalaga ng mahigit P1.08 billion.

May mga nasira ding pananim na mais na aabot sa P469 ang halaga.

Ayon sa DA, patuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhang magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng pamamahagi ng libreng binhi, at fingerlings. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *