Truck na may kargang mga baboy na infected ng ASF naharang sa checkpoint sa QC

Truck na may kargang mga baboy na infected ng ASF naharang sa checkpoint sa QC

Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang isang truck na may kargang mga baboy na nakitaan ng senyales ng African Swine Fever (ASF).

Ang truck ay naharang sa checkpoint sa Mindanao Avenue sa Quezon City.

Nang isailalim sa blood tests ang mga kargang baboy ay lumitaw nga na infected ng ASF ang mga ito.

Agad isinailalim sa condemnation at inilibing ang mga baboy.

Tinyak ng BAI na patuloy ang pagkakasa nito ng mga checkpoint para mapigilan ang pagkalat ng mga baboy na may ASF.

Paalala ng BAI sa mga hog raisers at transporters, sumunod sa regulasyon at biosecurity protocols para maiwasan ang paglaganap nala ng ASF.

Kamakailan itinaas ng Department of Agriculture (DA) ang cash assistance sa mga ASF-infected pigs para mahikayat ang hog growers na iturnover sa gobyerno ang mga may sakit na baboy.

Bibigyan sila ng P4,000 kada infected piglet, P8,000 naman para sa mga malalaki nang baboy na ang timbang ay below 75 kilos, habang P12,000 sa mas malalaki pa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *