Halos 2,000 magulang sa lalawigan ng Samar nakatanggap ng insentibo makaraang makumpleto ang Nanay-Tatay Sessions – DSWD
Kabuuang 1,977 na mga magulang sa lalawigan ng Samar ang tumanggap ng cash incentive makaraang matapos nila ang Nanay-Tatay Sessions sa ilalim ng Tara, Basa Tutoring Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Isinagawa ng DSWD Field Office ang serye ng payout sa 2 lungsod at 19 na munisipalidad sa Samar.
Sa ilalim ng cash-for-work component ng naturang programa ang bawat magulang ay makatatanggap ng P4,700 para sa 20-day Nanay-Tatay sessions na kanilang dinaluhan mula July 1 hanggang 26, 2024.
Layunin ng naturang learning sessions na maturuan ang mga magulang at guardians upang mas masuportahan nila ang pag-aaral ng kanilang mga anak.
Sa naturang lalawigan, mayroon ding 1,981 learners at 375 college students ang sumailalim din sa programa para naman sa mga mag-aaral.
Nagsilbi sila ilang tutors at Youth Development Workers, kung saan tumanggap sila ng P8,100 na cash incentive na kanilang magagamit sa kanilang pag-aaral. (DDC)