China dapat lumayas sa West PH Sea – Sen. Tolentino

China dapat lumayas sa West PH Sea – Sen. Tolentino

“Atin ang West Philippine Sea”.

Ito ang tahasang sinabi ni Senator Francis Tolentino na atin ang West Philippine Sea at dapat ang China ang umalis.

Ginawa ang pahayag ni Senator Tolentino sa ginanap na Opening Ceremony National Championships ng Philippine ROTC Games 2024 sa International Convention Center, Cavite State University Main Campus sa Bayan ng Indang, Cavite nitong araw ng Linggo, Agosto 18, 2024 na dinaluhan ng mga cadets mula sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Ayon kay Tolentino, ang West Philippine Sea ay bahagi ng ating 200 nautical miles exclusive economic zone na dapat aniya ang China ang umalis kasi pagmamay-ari ito ng ating Bansa.

Kinuwestyon din ni Tolentino bakit ang China ang maghahain ng protest laban sa atin samantalang tayo naman ang nagmamay-ari ng nasabing lugar.

Inirekomenda rin ng senador na tuloy lang ang ginagawa natin kung meron tayong scientific exploration na ginagawa ng UP Marine Institute.

Nilinaw din ni Tolentino na napirmahan na nila at naipasa na last week sa Senado ang Sea Lanes at sinabi rin nito na ang Maritime Zones Law ay bukas ay ireport nya ito sa bicameral conference committee report na pinirmahan na ng kongreso.

Samantala, ikinatuwa naman ng senador na naging successful ang opening ng Philippine ROTC games at panalangin ni Tolentino sa darating na linggo na sanay maganda ang panahon upang tuloy tuloy ang combat sports.

Iginiit din ng senador na kailangang makapag produce ng maraming national athletes at bagong mga leaders ng ating lipunan buhat sa hanay ng kabataang Pilipino sa pamamagitan ng ganitong aktibidad.

Tampok din sa naturang aktibidad si Senator Jinggoy Estrada na naging panauhing tagapagsalita kasama ang Ipatupad Partylist Representative Venus Emperado Apas at mga Heneral mula sa iba’t-ibang sangay ng Armed Forces of the Philippines, nakiisa rin si Indang Mayor Perfecto V. Fidel, mga DepEd Officials at iba pang panauhin na dumalo sa naturang programa. (JR Narit)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *