Suporta sa repormasyon at rehabilitasyon ng PDLs ng BuCor pinagtibay

Suporta sa repormasyon at rehabilitasyon ng PDLs ng BuCor pinagtibay

Pinagtibay ng Bureau of Corrections at ng De La Salle Santiago Zobel School (DLSZ) ang kanilang 20-taon na partnership sa pamamagitan ng paglagda sa isang memorandum of agreement na layuning suportahan ang repormasyon at rehabilitasyon ng persons deprived of liberty (PDLs).

Ang nasabing MOA ay pinirmahan nina BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. at DLSZ Senior Vice President Rafael Javier A. Reloza bilang kinatawan ni Br. Bernard Oca, president ng DLSZ sa idinaos na simpleng seremonya sa New Conference Room ng New Bilibid Prison (NBP) Compound sa Muntinlupa City.

Sa ilalim ng kasunduan, tatanggap ang PDLs ng social at civic services mula sa DLZS faculty members, staff at students na lalong magpapahusay sa personal kalagayan at pag-uugali ng PDLs sa pamamagitan ng pagbibigay ng social interactions, seminars, workshops at training.

Bilang pagkilala sa kontribusyon ng DLZS sa PDLs, pinasalamatan sila ni Catapang sa mahalagang ambag sa reformation at reintegration ng BuCor at para sa pagpapalawak na rin ng programa na makasama rito ang PDLs mula sa maximum security compound.

“This program will go along way because it will inculcate values in life that it doesn’t pay to commit crime and involves spiritual values needed by our PDLs being battered by angels and demons while inside our corrections facilities,” sabi ni Catapang.

Idinagdag pa ni Catapang na umaasa ang BuCor sa mas mabunga at nakahihikayat pang partnership nito sa DLSZ sa hinaharap.

Sinabi naman ni Reloza na ang DLSZ ay naninidigan sa pagpapaangat nito sa buhay ng mga bata, kabataan, pamilya at lalo na sa mga nangangailangan katulad ng PDLs.

Aniya, aktibo ang DLSZ Social Action Office sa pagsama sa volunteer service program upang umalalay sa mga komunidad at iba pang institusyon tungo sa kaunlaran na alinsunod sa misyon ng kanilang founder na si St. John Baptist de La Salle.

Dumalo sa MOA signing sina C/Supt. Celso S. Bravo, OIC Deputy Director General for Reformation, C/SSupt. Gerardo Padilla, Director for Reformation, C/Supt. Marites Luceno, Deputy Director. For Reformation, C/Supt. Elsa Alabado, Acting Director for Personnel Development and Human Resource, C/ CINSP Roger Boncales, NBP Acting Supt.; at Benjamin Sazon Jr., DLSZ Social Action Office head. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *