Air quality sa ilang bahagi ng Metro Manila nasa “unhealthy” at “very unhealthy” level
Nananatiling nasa “very unhealthy” ang air quality sa ilang bahagi ng Metro Manila umaga ng Martes (Aug. 20).
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau (DENR – EMB), naitala ang “unhealthy” at “very unhealthy” na ang air quality sa ilang bahagi ng NCR.
Sa Pateros ay naitala ang “very unhealthy” level, sa Caloocan at Makati naman ay “unhealthy for sensitive groups”.
Una ng sinabi ng Phivolcs na nanatili sa Metro Manila ang local pollutants dahil sa mahinang hangin na nararanasan sa nakalipas na tatlong araw.
Ayon sa Phivolcs ang naranasang haze sa Metro Manila ay dulot ng local pollutants at hindi vog. (DDC)