Lalaking suspek sa pagpatay sa dating kinakasama, arestado ng NCRPO

Lalaking suspek sa pagpatay sa dating kinakasama, arestado ng NCRPO

Iprinisinta ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Major General Jose Melencio Nartatez Jr. sa mga mamamahayag ang isang mister na pumatay sa kanyang dating kinakasama na nag-viral pa sa Caloocan City.

Inamin nang naarestong suspek na si Reyand Pude, 22-anyos, na pinatay niya sa saksak ang biktima na si Marian Angeline Manaois, 22-anyos, dating live-in partner, nitong Agosto 14 dahil sa sobrang selos.

Ayon sa imbestigasyon, biglang sumulpot ang suspek na armado ng patalim at sinaksak ng maraming beses ang biktima sa harapan ng restaurant sa Loreto Street, Barangay 85, Bagong Barrio, Caloocan City.

Tumakas ang suspek patungong EDSA Northbound sa direksiyon ng Quezon City habang binawian naman ng buhay ang biktima sa MCU Hospital.

Sa ikinasang maigting na follow-up operation ng mga tauhan ng Caloocan City Police Station ay nagresulta ng pagkaaresto ng suspek sa Tanza, Cavite ng Agosto 16.

“My deepest sympathies go out to the family of the victim. While no action can undo the pain of this loss, I want them to know that we are fully committed to securing justice in her name,” ani MGen Nartatez.

“As we move forward, I want the public to know that the NCRPO remains resolute in its mission to maintain peace and order across the region. We will continue to act with diligence and integrity in safeguarding the well-being of our communities,” dagdag pa ng NCRPO chief. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *