OFWs na uuwi galing Lebanon bibigyan ng P150K ng pamahalaan

OFWs na uuwi galing Lebanon bibigyan ng P150K ng pamahalaan

Pinadagdagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pinansyal na ayuda ng gobyerno sa mga Filipino na uuwi mula Lebanon.

Sa ambush interview sa Malakanyang, sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na mula sa P50,000, pinadagdagan ito ni Pangulong Marcos at ginawang P150,0000.

Sa naturang halaga, P75,000 aniya ang galing sa Department of Migrant Workers (DMW) habang ang P75,000 naman ay mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ayon kay Cacdac, documented o undocumented man ang uuwing Filipino ay bibigyan aniya ng tulong ng gobyerno.

May hiwalay na tulong din aniya ang Department of Health (DOH), Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Agriculture (DA), Department of Tourism (DOT) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ayon kay Cacdac, may 100 na Filipino pa ang nasa Southern Lebanon cities na mahgipit na binabantayan ngayon ng embahada ng Pilipinas.

May shelter at crisis plan aniyang nakahanda ang gobyerno.

Ayon kay Cacdac, ongoing na ang repatriation.

Nabatid na noong nakaraang weekend, 15 Filipino mula Lebanon ang dumating na sa bansa at nasa 45 naman ang darating sa bansa sa mga susunod na araw.

Sumasaailalim na aniya ang 45 sa Lebanese imkigration procedures at tinutulungan ng embahada at labor attache.

Itinaas ng Department of Foreign Affairs sa Alert Level 3 ang sitwasyon sa Lebanon dahil sa ginawang pag-atake ng Israel. (CY)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *