Bilang ng mga naiprosesong registration para sa 2025 National and Local Elections umabot na sa mahigit 5 million
Umabot na sa mahigit 5 million ang naiprosesong aplikasyon ng Commission on Elections (Comelec) para sa Voter Registration.
Ayon sa datos ng Comelec, hanggang araw ng Lunes, Aug. 19 ay umabot na sa 5,372,424 ang naiprosesong aplikasyon.
Sa nasabing bilang, pinakamarami ang sa Region 4-A na umabot na sa 901,562; kasunod ang NCR na umabot na sa 712,458.
Marami na ring nakapagparehistro sa Region III na umabot na sa 618,106.
Sa Quarterly Progress Reports ng Comelec para sa May 2025 National and Local Elections nakasaad din na mayroong mahigit 680,000 na botante ang deactivated na o deleted na sa listahan ng mga registered voter.
Karaniwang dahilan ng pag-deactivate o pag-deete ay ang pagkasawi, pag-transfer sa ibang lugar, double registration, double entries at ang iba ay nag-apply para sa Overseas Absentee Voting.
Nagsimula ang registration period noong Feb. 12 na tatagal hanggang Sept. 30, 2024. (DDC)