P5.1M illegal drugs nakumpiska sa week-long anti-criminality ops ng SPD
Inanunsyo ni Southern Police District Director BGen Leon Victor Rosete ang pagkakumpiska ng kabuuang ₱5,128,374.40 na halaga ng ilegal na droga sa matagumpay na isang linggong anti-criminality operations sa katimugang bahagi ng Metro Manila.
Ayon kay BGen Rosete, nagkasa ng 74 targeted operations ang mga operatiba ng SPD na nagresulta ng pagkakumpiska ng 741.17 na gramo ng shabu, 736.82 gramo ng marijuana at pagkaaresto ng 105 drug suspects magmula Agosto 12 hanggang 18.
“Our ongoing commitment to addressing illegal drug issues throughout Southern Metro Manila highlights our unwavering dedication to creating a drug-free community. We deeply appreciate the vital support and collaboration from our community, which is key to achieving our goals. Together, we can build a safer and more hopeful future for everyone,” sabi ng District Director. (Bhelle Gamboa)