DepEd inatasan ang mga paaralan sa NCR at Calabarzon na magpasya kung kailangang suspendihin ang F2F classes dahil sa volcanic smog

DepEd inatasan ang mga paaralan sa NCR at Calabarzon na magpasya kung kailangang suspendihin ang F2F classes dahil sa volcanic smog

Ipinaubaya ng Department of Education (DepEd) sa pamunuan ng mga paaralan sa Metro Manila at Calabarzon ang pagsususpinde ng klase kung may epekto ng volcanic smog o smog sa mga eskwelahan.

Sa Memorandum No. 46 series of 2024 na nilagdaan ni DepEd Sec. Sonny Angara, binigyan ng otorisasyon ang mga apektadong paaralan na magsuspinde ng klase kung walang opisyal na anunsyo mula sa local government units.

Para naman matiyak na magpapatuloy ang klase, inatasan ang mga eskwelahan na gumamit ng alternatibong learning modalities gaya ng modular o online learning.

Ang pagbabalik ng Face-to-Face classes ay naka-depende sa sitwasyon kung ligtas na para sa mga mag-aaral at guro ang bumalik sa paaralan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *