DSWD nagbabalang kakasuhan ang mga sangkot sa repacking at tampering ng Family Food Packs

DSWD nagbabalang kakasuhan ang mga sangkot sa repacking at tampering ng Family Food Packs

Binalaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga sangkot sa repacking o tampering ng family food packs (FFPs) mula sa ahensya.

Ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian, maaaring masampahan ng kaso sa Office of the Ombudsman ang mga mapapatunayang sangkot sa repacking o tampering ng food packs.

Inaalam na aniya ngayon ng DSWD ang mga ulat at reklamo kaugnay sa repacking ng dood packs at nagsasagawa na ng internal investigation ang ahensya kaugnay dito.

Sa report na natanggap ng DSWD, bahagi ng tampering ng relief goods ang pagbubukas ng food packs para bawasan ang laman kaya kakaunti na lamang ang napupunta sa beneficiaries.

Ang bawat kahon ng FFPs ay naglalaman ng 6 na kilo ng bigas, 4 na piraso ng de latang tuna, 2 lata ng sardinas, 4 na piraso ng corned beef, 5 sachet ng 3-in1 coffee at 5 sachet ng cereal drink.

Ayon kay Gatchalian, ang pag-tamper ng food packs ay paglabag sa ilalim ng RA 10121.

Sinumang mapapatunayang lumabag sa nasabing batas ay maaaring maharap sa multa na P50,000 hanggang P500,000 o pagkakabilanggo na 6 hanggang 12 taon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *