DOH pinag-iingat ang mga residente sa mga lugar na apektado ng VOG

DOH pinag-iingat ang mga residente sa mga lugar na apektado ng VOG

Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang mga residente sa mga lugar na apektado ng volcanic smog o VOG mula sa Bulkang Taal.

Ayon DOH, ang usok o VOG ay masama sa kalusugan na maaring magdulot ng iritasyon sa mga mata, lalamunan at respiratory tract na maaring maging malubha depende sa konsentrasyon o tagal ng pagkalanghap.

Narito ang paalala ng DOH para manatiling ligtas:

– Iwasan ang mga outdoor na aktibidad para malimitahan ang exposure
– Isara ang mga pinto at bintana upang pigilin ang pagpasok ng vog
– Takpan ang ilong at bibig, magsuot ng N95 facemask kung may magagamit
– Uminom ng maraming tubig

Pinaalalahanan din ang publiko na bantayan ang kalusugan at agad magpatingin sa doktor kung kinakailangan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *