Mga barko ng Coast Guard binangga ng dalawang barko ng China

Mga barko ng Coast Guard binangga ng dalawang barko ng China

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na dalawang barko nito ang nagkaroon ng pinsala matapos banggain ng dalawang barko ng China.

Nangyari ang insidente umaga ng Lunes, August 19 sa katubigang sakop ng Escoda Shoal.

Sa pahayag ng National Task Force for the West Philippine Sea, 3:24 ng madaling araw, habang naglalayag sa Escoda Shoal ang BRP Cape EngaƱo, nagsagawa ng aggresive maneuvers ang barko ng China na CCG-3104.

Nagresulta ito sa pagbangga sa starboard ng Coast Guard Vessel at butas sa deck na aabot sa 5 inches ang laki.

Dakong 3:40 naman ng madaling araw, dalawang beses na binangga ng CCGV 21551 ang BRP Bagacay sa port at starboard sides nito.

Dahil dito, napinsala ang auxiliary room sa port side ng barko malapit sa auxiliary engine nito.

Nagkaroon din ng butas na aabot sa 2.3 by 3 feet ang laki.

Sa kabila nito, ipinagpatuloy ng dalawang barko ng PCG ang misyon nito na maihatid ang supplies sa mga tauhan na naka-istasyon sa Patag at Lawak Islands. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *