Bulkang Taal nagbuga ng 3,355 tonelada ng Sulfur Dioxide
Umabot sa mahigit 3,300 na tonelada ang naobserbahang sulfur dioxide mula sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa update mula sa Phivolcs, may nakita ring upwelling ng mainit na volcanic fluids mula sa main crater ng bulkan at ito ang nagdulot ng volcanic smog o vog sa maraming lugar sa Batangas, bahagi ng Laguna, Cavite at maging sa Metro Manila.
Ang ash plume na ibinuga ng Bulkang Taal ay umabot sa 2,400 metro ang taas.
Nananatiling nakataas ang Alert Level 1 sa Bulkang Taal. (DDC)