Volcanic Smog mula sa Bulkang Taal umabot sa Metro Manila

Volcanic Smog mula sa Bulkang Taal umabot sa Metro Manila

Umabot sa Metro Manila ang volcanic smog o vog na mula sa Bulkang Taal sa Batangas.

Batay sa Air Quality Index sa Metro Manila ngayong umaga, nasa “unhealthy” category ang kalidad ng hangin sa Paranaque, bahagi ng Makati, at bahagi ng Muntinlupa.

May namataan ding vog sa bahagi ng Ortigas sa Pasig City.

“Very unhealthy” naman ang air quality sa Pateros.

Wala pa namang kumpirmasyon mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na vog nga ang makapal na usok na nararanasan ngayon sa Metro Manila.

Pero nagpalabas na ng Volcanic Smog Alert ang Muntinlupa City Department of Disaster Resilience and Management (DDRM).

Dahil sa volcanic smog, maraming bayan sa lalawigan ng Batangas ang nagsuspinde na ng klase ngayong araw.

May mga bayan din sa Laguna at Cavite ang nagsuspinde na ng klase.

Hinikayat din ang mga residente na magsuot ng face mask at manatili lamang sa kani-kanilang mga tahanan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *