Abra niyanig ng magnitude 4.3 na lindol
Tumama ang magnitude 4.3 na lindol sa lalawigan ng Abra.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 1 kilometer southwest sa bayan ng Villaviciosa, 4:51 ng umaga ng Lunes, August 19.
May lalim na 13 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang Instrumental Intensity I sa Vigan City Ilocos Sur at sa Bangued Abra. (DDC)