Bagyong Dindo lumakas pa, isa ng tropical storm ayon sa PAGASA
Naging ganap ng bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa Batanes.
Ang bagyong Dindo na isa ng tropical storm ay huling namataan ng PAGASA sa layong 640 km Northeast ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at apgbugsong 80 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong northeast sa bilis na 10 kilometers per hour.
Ayon sa PAGASA, wala pang direktang epekto sa bansa ang bagyo.
Inaasahan ding agad itong lalabas ng bansa ngayong araw at magtutungo sa East China Sea. (DDC)