Mahigit 100 baboy na naharang sa checkpoint sa QC kinatay at ibinaon matapos magpositibo sa ASF

Mahigit 100 baboy na naharang sa checkpoint sa QC kinatay at ibinaon matapos magpositibo sa ASF

Kinatay at saka ibinaon ang mahigit 100 baboy na naharang mga otoridad sa checkpoint sa Quezon City.

Ayon sa Bureau of Animal Industry (BAI), noong Huwebes, Aug. 15 dalawang truck na may ulang baboy at livestock ang naharang sa magkahiwalay na checkpoint sa lungsod.

Ang isang truck ay may lulang 87 baboy at ang isa naman ay may sakay na 14 na baboy.

Agad napansin ng mga inspektor sa checkpoint na payat o undersized ang mga baboy na sakay ng mga truck.

Ayon sa BAI, ang mga driver ng dalawang truck ay napakita ng pekeng dokumento nang sila ay maharang ng mga otoridad.

Agad isinailalim sa pagsusuri ang mga naharang na baboy lalo at hindi tukoy kung saan talaga galing ang mga ito.

Ayon kay DA Assistant Secretary for Swine and Poultry Dante Palabrica, ang mga baboy na lulan ng unang truck ay positibo sa African Swine Fever (ASF).

Habang ang mga baboy naman sa ikalawang truck ay nakitaan na ng clinical signs ng ASF.

“The blood tests showed the hogs are positive for the ASF virus, so we have no choice but to condemn them and dispose of their carcass at the central burial site we have identified,” ani Palabrica.

Nilinis naman at isinailalim sa disinfection ang mga truck. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *