Rep. Jose Francisco “Kiko” Bantug Benitez itinalaga ni Pang. Marcos bilang director general ng TESDA
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Negros Occidental Rep. Jose Francisco “Kiko” Bantug Benitez bilang bagong Director General ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Papalitan ni Benitez si Suharto Mangudadatu na nagbitiw sa puwesto dahil kakandidato sa nalalapit na eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Si Benitez ay kinatawan ng third congressional district ng Negros Occidental at Chairperson ng Committee on Housing and Urban Development in the House of Representatives.
Kumpiyansa si Pangulong Marcos na magagampanan ni Benitez ang tungkulin dahil sa malawak na karanasan sa edukasyon, development at public service.
Si Benitez ay nagtapos ng doctorate sa Philosophy.
Kilala si Benitez sa pagtataguyod sa social equity, economic growth, at ecological sustainability.
Umaasa si Pangulong Marcos na ang adbokasiya ni Benitez na digital transformation, education reform, at technological innovation ay malaking tulong sa TESDA.
Nagpasalamat naman si Pangulong Marcos sa serbisyo ni Mangudadatu.
Agad na magsisilbi si Benitez sa TESDA sa lalong madaling panahon at inaasahang makapaglalatag ng mga prayoridad na programa. (CY)