Publiko pinag-iingat sa pagbili at paggamit ng mga hindi rehistradong katol at iba pang insecticides
Sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue, nagbabala ang toxic watchdog na BAN Toxics sa paggamit ng katol, insecticides, at fogging dahil sa banta nito sa kalusugan.
Sa datos ng DOH, nakapagtala ng 33% na pagtaas sa kaso ng dengue sa bansa mula January 1 hanggang August 3 kumpara sa parehong petsa noong nakaraang taon.
Hinikayat ng BAN Toxics ang mga regulatory agencies na gumaawa ng aksyon sa banta sa kalusugan at kalikasan ng kemikal na maaaring taglay ng mosquito insecticides.
Ayon kay Thony Dizon, advocacy and campaign officer ng BAN Toxics, bagaman mura ang halaga, ang paggamit ng katol ay mayroong adverse environmental at health impacts.
Ginawa kasi ito gamit ang synthetic chemicals gaya ng pyrethroids at esbiothrin.
Sinabi ni Dizon na ang pagkakalantad sa usok mula sa katol ay maaaring magdulot ng acute at chronic health risks.
“Burning a single mosquito coil releases the same amount of particulate matter as smoking 75-137 cigarettes. It emits formaldehyde as high as that released from burning 51 cigarettes,” ani Dizon.
Una ng nagpalabas ng health warnings ang Food and Drug Administration (FDA) at angs Department of Health (DOH) sa pagbili at paggamit ng unregistered household/urban pesticides (HUPs), kabilang ang mga brand ng katol na Wawang High Quality mosquito coil, Jinma Katol Mosquito Coils Lengen Micro-Smoke, at BaoMa Black Mosquito Repellent Incense Anti-Mosquitoes.
Paalala ng BAN Toxics sa pibliko dapat tiyaking rehistrado sa FDA ang mga bibilhing pesticide.
Mas mainam din na gumamit ng organic mosquito coils at bioinsecticides katulad ng neem, citronella, papaya leaves, garlic, at lemongrass. (DDC)