BASAHIN: Alternatibong transport options para sa ipatutupad na weekend closure ng LRT-1

BASAHIN: Alternatibong transport options para sa ipatutupad na weekend closure ng LRT-1

Sisimulan na bukas, August 17 ang paghinto ng commercial train service ng LRT-1 na isasagawa sa tatlong magkakasunod na weekend.

Ayon sa Light Rail Manila Corporation o LRMC, magpapatupad ng temporary suspension sa biyahe ng LRT-1 sa sumusunod na Sabado at Linggo:

⚪️August 17-18
⚪️August 24-25
⚪️August 31-September 1

Sa nasabing mga petsa, walang operasyon mula Fernando Poe Jr. Station hanggang Baclaran Station.

Ito ay para mapagtuunan ng pansin ang LRT-1 Cavite Extension Phase 1 na inaasahang magbubukas sa 4th Quarter ng 2024.

Tiniyak ng LRMC na nakipag-ugnayan na ito sa mga ahensya ng gobyerno para sa alternative transport options na maaaring magamit ng mga commuter habang mayroong weekend closure.

Kabilang sa allternatibong transport options ang Bus na biyaheng Malanday to MOA, EDSA Carousel mula Monumento to PITX, at ang mga biyahe ng UV Express.

Maaari ding magamit ang mga pampasaherong jeep para sa mga patungong Maynila. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *