Lahat ng rehiyon sa bansa maliban sa NCR, may naiulat na kaso ng ASF

Lahat ng rehiyon sa bansa maliban sa NCR, may naiulat na kaso ng ASF

Halos lahat ng rehiyon sa bansa ay apektado ng African Swine Fever (ASF) maliban lamang sa Metro Manila.

Sa datos updated zoning status na inilabas National ASF Prevention and Control Program, maliban sa NCR, lahat ng rehiyon sa bansa ay mayroong munisipalidad o lungsod na infected ng ASF.

Narito ang bilang ng mga munisipalidad at lungsod sa bawat rehiyon na deklaradong “Red Zone” o ASF “Infected Zone”.

CAR – 17
Region 1 – 19
Region II – 51
Region III – 50
Region IV-A – 35
Region IV-B – 22
Region V – 20
Region VI – 32
Region VII – 20
Region VIII – 23
Region IX – 15
Region X – 29
Region XI – 14
Region XII – 20
Region XIII – 55
BARMM – 1

Sa ilalim ng DA Administrative Circular No. 2, series of 2022, ang mga munisipalidad o lungsod na mayroong kumpirmadong ASF cases at kumalat na sa mga barangay sa loob ng 15-araw ay sasailalim sa Red Zone.

Sa nasabing ring updated zong status, sinabi ng DA na mayroong 457 na lungsod at munisipalidad ang nai-upgrade na sa Pink Zone mula sa Red Zone.

Habang 100 lungsod at munisipalidad ang nai-upgrade na sa Yellow (surveillance) Zone mula sa dating Pink Zone. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *