Metro Manila nananatiling ASF-free ayon sa DA

Metro Manila nananatiling ASF-free ayon sa DA

Nananatiling ASF-free ang buong Metro Manila.

Sa updated Zoning Status sa mga lugar sa bansa na apektado ng ASF.

Ayon sa National ASF Prevention and Control Program, ang buong Metro Manila ay nasa Pink Zone o Buffer Zone lamang.

Sa ilalim ng Administrative Circular ng DA, idinedeklara ang Pink Zone sa mga lugar sa Metro Manila at mga lungsod o munisipalidad sa ibang bahagi ng bansa na wala pang na-detect na ASF pero katabi lamang sila ng lugar na nasa Red Zone o lugar na infected ng ASF.

Ang datos na inilabas ay base sa inilabas na update Zoning Status sa mga lugar sa bansa na apektado ng ASF.

Nagkasa na ng checkpoint ang Bureau of Animal Industry (BAI) sa ilang bahagi ng Metro Manila para masigurong hindi makapapasok ang mga baboy mula sa mga lugar na apektado ng ASF. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *