Lider ng robbery hold-up gang patay sa engkwentro sa Makati City

Lider ng robbery hold-up gang patay sa engkwentro sa Makati City

Patay ang tumatayong lider ng notoryus na Brondial Criminal Group matapos barilin ng guwardiya ng isang tindahan ng prutas na hinoldap ng grupo ng suspek sa San Isidro, Makati City.

Dead on the spot ang suspek na si alyas Jeric, 27-anuos,residente ng Pasay City at lider ng nasabing grupo ng kriminal, sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan habang nakatakas ang kasabwat nitong apat na armado at hindi pa kilalang mga lalaki.

Sa ulat na natanggap ng Southern Police District (SPD), puwersahang pumasok sa fruit store si alyas Jeric kasama ang apat na ibang armadong lalaki bago nagdeklara ng holdap.

Ayon sa inisyal na inisyal na imbestigasyon, dalawang armadong suspek ang nagtungo sa ikalawang palapag ng tindahan habang naiwan sa ground floor ang tatlong salarin na kumuha ng cellphones ng guwardiyang si SG Roco at iba pang empleyado ng fruit store.

Nabigla ang mga suspek nang marinig ang sirena ng paparating na sasakyan ng mga pulis na naging sanhi ng kanilang pagpanic at tangkang pagtakas.

Nakakuha ng tiyempo si SG Roco na barilin ang mga suspek kung saan minalas na tamaan si alyas Jeric na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan habang nagawang tumakas ang mga kasabwat nito sa hindi batid na direksiyon.

Kaagad namang inalerto ng mga empleyado ng tindahan ang parating na mga tauhan ng San Isidro Police Substation na mabilis na nagpatupad ng seguridad sa lugar.

Nagkasa naman ang Makati City Scene of the Crime Operatives (SOCO) team sa pangunguna ni Maj Gerald Vilar ng masusing imbestigasyon at narekober ang mahahalagang ebidensiya kabilang ang metal jacket at lead core habang nadiskubre sa bulsa ng napatay na suspek ang isang ninakaw na cellphone na pagmamay-ari ng naturang guwardiya ng tindahan.

Base sa pahayag ng kaherang si Eva, natangay ng mga suspek ang iPhone 13 na nagkakahalaga ng ₱40,000.00 at Samsung cellphone na may halagang ₱10,000.

Itinurn-over naman ni SG Roco sa mga imbestigador ang iba pang ebidensiya na isang Caliber 9mm Armscor na may serial number, Caliber .38 Revolver na may SN,tatlong basyo ng bala, iba pang bala ng baril at Huawei cellphone.

Bukod dito, narekober din ang isang motorsiklo na may plaka at isang Suzuki Raider motorcycle na walang license plate kung saan dito nadiskubre ang driver’s license ni alyas Jeric, A search of the Suzuki motorcycle led to the discovery of a driver’s license belonging to the suspect alias Jeric.

“Upon verification to our Investigation Solution Automated Verification System (ISAV-S), it revealed that the deceased suspect had a standing warrant for Frustrated Homicide, violation of RA 10883 (Anti-Carnapping Act), Robbery, and Murder. We would like to acknowledge the alertness and quick action of the security guard that resulted to the neutralization of the suspect, also continuous conduct of manhunt operations is underway for the possible arrest of the remaining at-large suspects,” sabi ni SPD District Director BGen Leon Victor Z. Rosete. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *